Sunday, December 5, 2010

nagbabago ang lahat. (as told by the little one) -- written by mikee



Bakit? Paano? Saan? Kailan? Yan ang mga kadalasang tanong tungkol sa PAG-IBIG.

BAKIT ka ba nagmamahal? PAANO mo ba siya mamahalin? SAAN mo ba makikita yung taong mamahalin mo? at KAILAN mo ba siya nahanap? Ang tanong eh kung nahanap mo na nga ba? Minsan ang pag-ibig nagbibigay lang ng kaguluhan sa buhay ng isang tao, pero kadalasan nagdudulot naman ito ng kasiyahan. Mahal mo, mahal ka pero hindi naman kayo. Mahal na mahal mo, at mahal na mahal ka rin niya pero hindi talaga kayo. :| Bakit nga ba hindi? Sa isang relasyon daw kasi kailangan ng dalawang taong "MATURED" mag-isip. Para magkaintindihan sila. Para hindi lahat ng bagay pinag aawayan nila. Para magtagal silang dalawa. At para pwede nilang sabihin na FOREVER na talaga sila. Sana tayo na lang FOREVER. Sana wag ka nang mawawala saken. Sana hanggang tumanda ako, ikaw pa rin ang kasama ko. Sana ikaw na ang maging ina/ama ng mga magiging anak ko.Napakaraming sana. Lahat nang 'yan hanggang sana na lang ata talaga. Dahil wala naman talagang FOREVER. Ang meron lang, at ang natatanging bagay na totoo ay yung salitang PAGMAMAHAL at PAGTITIWALA. Kung meron kang minamahal ngayon at tinanong mo siya, "MAHAL MO BA 'KO?". Maaaring sagutin ka niya ng "SOBRA". Pero pagkalipas ng ilang araw, buwan, o taon, ganyan pa rin kaya ang isagot niya sayo? Posibleng iyan pa rin ang isagot niya, pero ganon pa rin kaya siya kaseryoso at kasigurado sa sagot niyang 'yon? Yan ang halimbawa ng pariralang WALANG FOREVER. Kahit gaano ka pa niya kamahal, lilipas at mawawala rin yung pagmamahal na 'yon. Dahil walang permanente sa mundo. Ngayon mahal na mahal ka niya, sa isang buwan maaaring hindi ka na niya kilala. Pwedeng ngayon sayo siya pero pagkagising mo kinabukasan pag-aari na siya ng iba. Lagi mong naririnig sa kanya na "MAHAL KITA" pero hindi mo na lang namamalayan na sa iba na pala niya yun sinasabi. Kaya nga pag nagmahal ka, magtira ka naman daw ng para sa sarili mo. Para 'pag iniwan ka na niya kaya mo pa ring mahalin ang sarili mo. Hindi mo naman kailangan ng taong mag-aalaga sayo. Sarili mo lang ang kailangan mo. Sa totoo lang, ang kinakailangan mo lang ay yung taong 'di magsasawang magtext sayo ng " I LOVE YOU", "KUMAIN KA NA BA?", "I MISS YOU", at "ASAN KA NA? INGAT KA HA". Oo ang sarap basahin,nakakakilig pa nga. Paulit ulit mo pa nga sigurong binabasa yung mga text na ganon. Pero wag na wag mong sasanayin ang sarili mo sa mga bagay na nakaya mo namang wala dati. Wala naman siya dati diba? Pero nabuhay ka. Nung wala pa siya masaya ka naman. Nung dumating siya naging mas masaya ka nga lang pero dun mo rin naranasang umiyak tuwing gabi.Badtrip noh? Hindi ba pwedeng puro saya na lang? Lagi talagang dapat may bawi na sakit? ANO PA NGA BANG MAGAGAWA MO KUNDI TANGGAPIN YUNG SAKIT NA 'YON. Iyakan mo ng ilang gabi tapos bumalik ka na sa realidad. Realidad na hindi mo naman dapat siya iniiyakan. Isipin mo na lang na nasugatan ka pero naghilom na yung sugat mo.Tumigil na yung pagdurugo kaya dapat tumigil ka na rin sa pag-iyak. Ang buhay pag-ibig naman kasi simple lang talaga. GINAGAWA MO LANG KOMPLIKADO. Di ka maka move on? Akala mo lang yun. Di ka maka move on dahil ayaw mo lang talaga. Wag mo ng hawakan ang mga bagay na nagpapasakit sayo. Matuto kang bumitaw kung talagang kailangan na. 'Pag natuto kang magparaya, mapagtatanto mong hindi mo naman pala talaga siya kailangan. At doon matatapos lahat ng sakit na nararamdaman mo. Happy ka na ulit. Wow parang magic lang. Ganon naman talaga, kapag wala ng galit at sakit sa puso mo nagiging masaya ka na ulit. :)) Haaay buhay nga naman. Daming pagsubok. Ngayon nasayo na kung paano mo haharapin yung mga pagsubok na 'yon. ;)

* mikee.ela

-- Bakit nga ba 'ko nagsulat ng ganito? Wala namang dahilan, gusto ko lang magshare kung anong nasa isip ko. Next time ulit pag may naisip ako, I'll put it in a blank paper, type it here, and share it to you guys.Maraming Salamat nga pala sa pagtitiyagang magbasa nito.

"THE ONLY PERMANENT THING IN THIS WORLD IS CHANGE." :]]

1 comment:

  1. Writer,tagalog na tagalog tayo ah...! galing mong sumulat !!! You are absolutely right! nothing really permanent in this world but change but change does not change...e follow mo naman ako...

    ReplyDelete